-- Advertisements --

Nasungkit ng powerhouse team na Brooklyn Nets ang kauna-unahang playoff spot sa Eastern Conference matapos na ilampaso kanina ang Toronto Raptors, 116-103.

Ito na ang ika-42 panalo ng Nets ngayong season, habang naghahabol naman na makapasok sa playoffs ang Raptors (26-36) na dating NBA champions noong taong 2019.

DURANT IRVING 1

Kabilang naman ang NBA superstar na si Kevin Durant na sinandalan ng Brooklyn na nagtala ng 17 points, 10 rebounds at four assists, gayundin si Jeff Green na may 22 points at si Blake Griffin na nagdagdag ng 17 puntos mula sa bench.

Ito ang ikalawang game pa lamang ni Durant mula nang bumalik dahil sa thigh injury.

Si Kyrie Irving ay medyo inalat na nagpakita lamang ng nine points, six rebounds at four assists kung saan tatlo lamang ang pumasok sa kanyang 13 na pagtatangka.

Aminado naman ang Brooklyn head coach na si Steve Nash na sadyang mahirap pagsama-samahin ang kanyang tatlong mga superstars na sina Durant, Irving at James Harden dahil sa mga injuries.

Mula pa kasi noong April 5 ay hindi na nakapaglaro si Harden para magpagaling din sa injury.

Sinasabing pitong beses pa lamang ngayong season nagkasama-sama nang sabay-sabay ang tatlo.

Para naman sa Raptors, halatang problema pa rin ang pagod dahil kulang-kulang lamang 24-oras ay naglaro rin sila kahapon kung saan tinalo naman nila ang Cavs, 112-96.

Nitong araw nanguna si Kyle Lowry na nagtapos sa 24 points at six assists.

Nagpadagdag naman sa malas ng team ay ang hindi paglalaro nina Chris Boucher dahil sa knee injury, Gary Trent (leg), Paul Watson (knee) at Jalen Harris (hip).

Samantala, sa Western Conference una na ring nakopo ng Utah Jazz ang playoff spot dahil sa hawak na 44-17 na kartada.