-- Advertisements --

Pormal nang tinuldukan ng Brooklyn Nets ang kapalaran ng Los Angeles Lakers na makapasok sa NBA playoffs.

Ito ay matapos na idispatsa ng Nets ang Lakers, 111-106.

Umagaw pa ng atensiyon si D’Angelo Russell na dating nasa LA pero na-trade patungo sa Nets.

Bumida sa panalo ng Brooklyn (38-36) sina Joe Harris na nagtala ng anim na 3-pointers sa kabuuang 26 points, at si Russell na nagdagdag ng 21 points at 13 assists.

Para naman sa Los Angeles (31-41) muli na namang nabigo sila na makapasok sa playoffs sa ika-anim na sunod na season na maituturing franchise-record sa kabila nang pagkuha nila kay LeBron James.

Hindi rin naabot ni LeBron ang sana ay 81st career triple-double nang magpakita siya ng 25 points, 14 assists at nine rebounds.

Aminado naman si James na naging mahirap sa kanila ang season na ito dahil sa maraming problemang naranasan ang team tulad ng injuries, suspension at maging siya ay ilang beses na hindi nakalaro.

“It’s not what we signed up for. Throughout the year, things happen. Suspensions, injuries, and us just not being able to play sustainable basketball for 48 minutes,” ani LeBron.

Ang sunod na game ng Nets ay laban sa Trail Blazers sa Martes.

Host naman ang Lakers sa Kings sa Lunes.