-- Advertisements --

Nalasap ngayon ng Brooklyn Nets ang ika-anim na talo sa kamay ng Oklahoma City Thunder, 129-116.

Ito ay kabila nang pagbabalik na ng kanilang superstar na si Kevin Durant mula sa pagkawala sa tatlong games.

Nabaliwala tuloy ang 36 big points ni Durant, na ikalawang sunod na talo na ng team.

Minalas din ang Nets dahil hindi pa rin nakalaro si Kyrie Irving sa ikatlong pagkakataon.

Hindi kinaya ng Nets ang puwersa ng Thunder na nagpakawala ng umaatikabong puntos kung saan anim sa mga players ay pawang nagtala ng double-figure.

Nanguna sa mainit na opensa ng Oklahoma si Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 31 points, Hamidou Diallo na nag-ambag ng 25 points, habang sina Al Horford ay may 22, George Hill nagpakita ng 14 at sina Lugentz Dort at Isaiah Roby ay parehong umeksena sa tig-13 points.