Nanawagan si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas kay Pastor Apollo Quiboloy na sumuko na at huwag gamiting human shield ang mga taga-sunod ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Sinabi ni Brosas na matitigil ang pagiging “battleground” ng KOJC compound sa Davao City kung susuko na si Quiboloy at haharapin ang mga kasong kriminal na isinampa sa kanya.
Giit ni Brosas dapat itigil na ni Quiboloy ang drama niya at maiging sumuko at harapin ang mga kaso na isinampa laban sa kaniya.
Ang self-styled “Son of God” ay nahaharap sa mga kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.
Binigyang-diin ni Brosas, ang exploitation of women and children ay isang grave violation sa human rights na dapat kaagad tugunan.
“We stand with the victims of Quiboloy. Every day that passes without this criminal being apprehended is another day the victims are denied justice,” wika pa nito.
Binuksan naman ng Gabriela Women’s Party ang pintuan nito para sa iba pang biktima ni Quiboloy at tiniyak na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at bata.