-- Advertisements --

Naglabas ng kanilang kasabikan sina Chris Newsome at Justin Brownlee matapos na mapili sa Gilas Pilipinas para maglaro sa Asian Games sa darating na Setyembre 25 sa China.

Sinabi ng dating Ateneo Blue Eagles player na isang malaking karangalan na irepresenta ang bansa sa mga international games.

Nangako ito sa Gilas na kapag maluwag ang kaniyang schedule ay handa ito ng maglaro sa nasabing koponan.

Sa panig naman ni Brownlee na hindi niya maipaliwanag ang kasabikan na makapaglaro muli sa national team.

Handa aniya nitong ibigay ang lahat ng makakaya para magtagumpay ang Pilipinas sa nasabing torneo.

Magugunitang inilabas na ni Gilas coach Tim Cone ang final 12 na listahan na maglalaro sa Asian Games ilang araw matapos ang ginanap sa bansa na 2023 FIBA World Cup.