Ikinatuwa ng mga fans ng Gilas Pilipinas ang paglabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas ng 24-man pool na sasabak sa ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Qualifiers.
Pinangunahan ni naturalized player Justin Brownlee ang listahan kasama si Adelaide 36ers player Kai Sotto at Beermen superstar Junemar Fajardo.
Ilan din na kasama sa listahan ay sina Scottie Thompson, CJ Perez, Roger Pogoy, Calvin Oftana, Jamie Alonzo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Chris Newsome,Arvin Tolentino, Kiefer , Thirdy Ravena, Jordan Heading, Ray Parks, Francis Lopez, Carl Tamayo, Dwight Ramos , Jerome Lastimosa, Schonny Wilson, Kevin Quiambao, Mason Amos at isang naturalized player na si Anj Kouame.
Gaganapin ang final windows sa Philippine Arena sa Bulacan kung saan makakaharap ng Pilipinas ang Lebanon sa Pebrero 24 at ang Jordan sa Pebrero 27.
Paglilinaw ng SBP na mababawasan ang unang 24-player na nasa listahan sa pagdating ng mga panahon.
Sa kasalukuyan ay mayroong limang panalo at tatlong talo ang Gilas sa Group E matapos talunin noong nakaraang taon ang Jordan at Saudi Arabia.