-- Advertisements --

Nagtala ng career-high na 51 points si Justin Brownlee para tuluyang talunin ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beermen 108-102.

Bukod pa sa nasabing score ay mayroon ding 13 rebounds, anim na steals at limang assists ang Gilas Pilipinas naturalized player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Dahil dito ay mayroon ng isang panalo at isang talo ang Gins sa Group B habang ang Beermen ay mayroong isang talo at dalawang panalo.

Pinuri ni Ginebra coach Tim Cone ang naging performance ni Brownlee kung saan ginawa lamang niya ang nararapat sa koponan.

Nag-ambag naman sa Ginebra sina Japeth Aguilar na mayroong 21 points, habang si RJ Abarrientos ay mayroong 13 points.