-- Advertisements --
Bumuslo ng 50 points si Justin Brownlee para madala ang Barangay Ginebra sa panalo sa OT kontra Columbian Dyip 127-123.
Ito na ang itinuturing na career high score ni ng 2018 best import.
Nagtala naman ng 20 points si Japeth Aguilar habang mayroong 16 points si Stanley Pringle at 15 points si LA Tenorio.
Dahil sa panalo ay mayroon ng 7-4 win-loss record ang Ginebra.
Nasayang naman ang ginawang 45 points ni Lester Prosper at 20 points ni CJ Perez ng Dyip.