Maituturing pa rin na isang magandang balita ang pagkapili kay Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee sa All-Star Five ng FIBA Olympic Qualifying tournament sa Riga, Latvia.
Kahit na bigo ang Pilipinas na makapasok sa Olympics ay humanga pa rin ang FIBA kaya Brownlee na mayroong 23.0 points average, 8.3 rebounds at 6.3 assists sa tatlong laro.
Mayroon din itong shooting average na 46.2 percent mula sa field at 43.5 percent mula sa long distance.
Ayon sa FIBA na isang halimaw sa paglalaro sa Brownlee at malaking factor ito ng Gilas Pilipinas.
Sa panig naman ni Gilas coach Tim Cone na talagang dominado ni Brownlee ang mga laro kung saan wala ng ibang makakapantay sa kaniyang galing sa paglalaro.
Nagpasalamat na lamang si Brownlee sa mga papuri sa kaniya kung saan hindi ito magtatagumpay sa sarili lamang at sa halip ay kasama ang buong koponan.
Kasama ni Brownlee sa listana si Bruno Cabocio, Leo Meindl ng Brazil , Rihards Lomazs ng Latvia at Jeremiah Hill ng Cameron.