-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Diskarteng malupit ang ginagawa ng mga miyemmbro ng Filipino reggae band na Brownman Revival upang maka survive habang walang trabaho sa entertainment industry at libangan na din laban sa banta ng depression at anxiety na dulot ng kinakaharap na Pandemic.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa Brownman Revival na kinabibilangan ng siyam na grupo, ilan sa kanila ay abala sa pagtitinda ng lutong bahay, pag online selling, tattoo service at mga deliveries.

Nahihirapan man ngayong panahon ay hindi parin sila nawalan ng dahilan upang sumaya sa pamamagitan ng kanya-kanyang bagong source of income, masaya pang napabiro na titigil sa pagbabanda at magtatayo na lamang ng restaurant dahil puro pagkain ang kanilang kasalokoyang pinagkakakitaan.

Nag iwan naman sila ng pakantang mensahe sa lahat sa tono ng kanilang hit song na ”Magkayakap sa dilim” kung saan nagpapahiwatig ito na dapat muna unahin ang pag sunod sa safety protocols.

”May vaccine na daw sa Russia so, heto na ang pinakahihintay natin mawawala na ang Covid-19, e maintain mo lang ang social distancing bago tayo ”Magkayakap sa dilim” ang pakantang minsahe ni Benjamin Perez, bokalista ng Brownman Revival.