-- Advertisements --
DOE office
IMAGE | Department of Energy, Taguig City

Nag-abiso ang Department of Energy (DOE) hinggil sa inaasahang aberya sa kuryente ngayong araw sa ilang bahagi ng Luzon.

Ito’y kasunod ng yellow at red alert na ibinaba ng National Grid Corporation of the Philippines sa Luzon Grid.

Kaninang alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga nang unang maramdaman ang pagnipis sa supply ng kuryente dahil sa yellow alert.

Babalik din daw ito mamayang alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi; at alas-7:00 hanggang alas-11:00 ng gabi.

Samantala, posible namang makaranas ng rotational brownout ngayon sa rehiyon dahil sa red alert na nagsimula kaninang alas-10:00 ng umaga at magtatagal hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon.

Screenshot 2019 04 24 13 28 24
IMAGE | Department of Energy, April 24