-- Advertisements --

Pinaninindigan ang isang energy policy group ang kanilang naunang projection, at ang kanilang babala sa posibilidad na magkaroon ng rotating brownouts sa Luzon grid sa darating na halalan.

Ayon kay Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) chief data scientist Jephraim Manansala, patuloy kasing nakakaranas ng forced outages ang ilang mga power plants, habang ang ilan naman sa kanila ay shutdown pa rin hanggang ngayon.

Sinabi ni Manansala na ang available sa grid sa ngayon ay sapat lamang para sa demand sa buwan ng Abril.

Para maabot ang 8,100 megawatts na required capacity sa Mayo 2022, kailangan aniya na ma-commission na ang bagong tayong GN Power Dinginin Plant Unit 2.

Ito ay ang bagong coal-fired power plant sa Bataan, na nakikitang tutulong sa pagpapataas sa energy supply sa Luzon grid.