Balik patrolya na muli sa West Philippine Sea ang BRP Andres Bonifacio na isa sa tatlong Offshore patrol vessel ng Philippine Navy na naka-assign sa Naval Forces West at AFP Western Command area of operations.
Ito ay matapos na sumailalim ang naturang barko ng Pilipinas sa malawakang pagkumpuni at “upgrading” ng “communications and sensor equipment” nito.
Kabilang sa mga in-upgrade ng barko ay ang “combat management system” (CMS) nito na nagmamando ng lahat ng sensors at armas para sa mas maigting na “real time situational awareness, command, and control capabilities.”
Bukod dito ay mayroon na ring bagong “air and surface search radar” ang barko na nagpalakas pa sa kakayahan nitong magsagawa ng long-range surveillance, search and rescue, at maritime patrol.
Dahil dito ay inaasahan ngayon na mas magiging epektibo ang pagganap ng BRP Andres Bonifacio sa mandato nito sa ilalim ng Naval Task Force 41 mula sa maritime patrol operations, internal security operations, hanggang sa logistics support missions.