Tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong medikal ang BRP Ang Pangulo para sa mga kababayan natin sa Dinagat Islands na naapektuhan ng bagyong Odette.
Nakapagbigay serbisyo ang naturang hospital ship sa nasa 926 na mga pasyente mula sa nasabing isla sa tulong ng mga onboard medical team na lulan nito.
Sa kasalukuyan ay nasa 2,450 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nabigyan ng atensyong medikal ng BRP Ang Pangulo sa Dinagat Islands at Siargao sa kanilang isinagawang medical at humanitarian mission para sa mga residenteng sinalanta ng bagyong Odette.
Ang BRP Ang Pangulo ay isang presidential yacht na ginawang floating hospital na layong maghatid ng medical assistance at iba pang tulong tulad ng pamamahagi ng mga relief goods para sa biktima ng kalamidad mula sa malalaking bahagi ng Visayas at Mindanao na lubhang napinsala nito.