-- Advertisements --

Matagumpay na nanatili at hindi natinag ang 44-meter Multi-role Response Vessel (MRRV) BRP Cabra sa pagmomonitor ng mga kilos ng China Coast Guard Vessel 3105 sa katubigan ng Zambales sa layong 95 nautical miles habang binabaybay ang mga along may taas na halos limang metro.

Ayon sa naging pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nananatiling ipinapatupad ng PCG ang kanilang mandato na protektahan at magmatyag sa mga iligal na presensya ng CCG sa katubigan ng bansa.

Binigyang diin din ni Tarriela ang mga nagiging paglabag ng China sa international law lalo na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Philippine Maritime Zones Act at maging ang 2016 Arbitral Award.

Ang mga naturang batas aniya ang ilan lamang sa mga nilabag ng CCG sa patuloy na pagiikot at paglalagi ng mga ito sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Samantala, mananatili pa rin ang PCG sa pagtupad sa kanilang mandato at maging sa itinalagang trabaho sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin at siguruhin na kahit square inch ng teritoryo ng Pilipinas ang makukuha ng kahit anong foreign power.