-- Advertisements --
Navy brp ramon alcaraz

Pabalik na sa bansa ang BRP Davao Del Sur matapos na ito ay tumigil sa India dahil sa sama ng panahon.

Kasama nitong pabalik ang bagong ayos na BRP Ramon Alcaraz.

Ayon sa Philippine Navy, ang dalawang sasakyang pandagat ay dadaan muna sa Colombo port sa Sri Lanka para sunduin ang 12 mga overseas Filipino workers na nai-stranded dahil coronavirus pandemic.

Makakasama nila ang 19 ng mga repatriates mula sa India na lulan ng Davao Del Sur.

Magugunitang umalis ng bansa ang BRP Davao Del Sur noong Mayo 9 at narating na ang Sri Lanka subalit ito ay napilitang bumalik sa India dahil sa sama ng panahon.

Tinulungan naman sila ng India para sa nasabing pagbabalik ng dalawang barko.