-- Advertisements --

Matagumpay na nakabalik sa bansa ang BRP Gabriela Silang matpaos ang overseas mission nito .

Nakadaong na sa Port Area Manila ang military ship matapos ang 26 araw na tri-country port visit mission sa Thailand, Malaysia at Vietnam.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na unang nagtungo ang nasabing barko sa Thailand noong Abril 1, habang sa Malaysia noong Abril 8 at sa Vietnam noong Abril 14-17.

Dumalo ang mga delegado ng PCG sa ilang pagpupulong at palitan ng kasanayan sa ilang mga bansa para mapalakas ang interoperability sa bawat bansa.

Bahagi ng nasabing misyon ang pagpapalakas ng maritime diplomacy sa ilalim ng framework ng ASEAN Coast Guard Forum (ACF).