-- Advertisements --

Nagsagawa ng Actual Flight Deck Operation Traing ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard sa pangunguna ng Coast Guard Aviation Forces sa Manila Bay Anchorage.

Layunin ng pagsasanay na ito na mai-develop pa ang proficiency ng coast guard sa iba’t-ibang aspeto, kabilang na ang aircraft handling, aircraft landing, takeoff procedures, at emergency response protocols.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay nabigyan ng kaalaman ang crew members nito sa kung papaano ang episyenteng pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng Coast Guard Aviation Force.

Ito ay upang tiyakin na magiging smooth at ligtas ang operasyon ng aircraft sa flight deck.

Samantala, kaugnay nito ay nagpahayag naman ng pasasalamat si CG Lieutenant Commander Ryan Jay Ganaden, ang Commanding Officer ng BRP Gabriela Silang sa Coast Guard Aviation Force.

Aniya, ang isinagawang Actual Flight Deck Operation Training na ito ay isang critical element sa nagpapatuloy na kanilang pagsusumikap para kamtin ang kahusayan para sa buong hanay ng PCG.