-- Advertisements --

Agad na isinailalim sa massive cleaning at disinfection ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa BRP Gabriela Silang matapos maibaba ang 79 locally stranded individuals o LSIs sa Sasa Warf at Davao City.

Ito ay para masigurong malinis at ligtas ang barko na naghatid ng mga indibduwal sa kani-kanilang mga lalawigan.

Ayon sa PCG, Hunyo 15 hanggang 18 naglayag ang BRP Gabriela Silang para ihatid sa General Santos City at Davao City ang LSIs na nai-stranded sa National Capital Region (NCR) partikular na ang mga nanatili sa ilalim ng tulay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay nag-aantabay pa ang PCG kung bibiyahe ulit ang BRP Gabriela Silang para maghatid ng mga stranded na indibiduwal sa kani-kanilang mga probinsya.