Dumating na sa Joint Base Pearl Harbor-HICKAM sa Hawaii ang bagong-bagong barko ng Philippine Navy na BRP Jose Rizal kung saan nakatakda itong lumahok sa Rim of the Pacific Exercise 2020 (RIMPAC 2020).
Sa pahayag ng Philippine Navy, mananatili ang Jose Rizal sa Pearl Harbor sa susunod na tatlong araw para sa logistical purposes.
Hindi rin papayagang bumaba ng barko ang 120 sailors at aviators ng barko dahil sa ipinatutupad na COVID-19 pandemic biosafety protocols.
Tatagal ang RIMPAC 2020 international maritime warfare exercise mula Agosto 17 hanggang 31.
Kabilang sa gagawing exercise ay ang multinational anti-submarine warfare, maritime intercept operations, at live-fire training events.
Layon ng hukbong dagat na sa kanilang pagsali sa drills, mapapalakas pa nila ang kanilang maritime operational capability at mapaigting ang kahandaan at interoperability.