-- Advertisements --

BRP5

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang BRP Jose Rizal (FF150) ng Philippine Navy sa Sept. 22 matapos ang kanyang matagumpay na pakikilahok sa Rim of the Pacific 2020 (RIMPAC20) Naval Exercise sa Hawaii.

Ang naturang aktibidad ang pinakamalaking naval exercise sa buong mundo na taunang itinataguyod ng Estados Unidos na siyang unang misyon ng pinakabagong frigate ng Philippine Navy.

Sakay ang 125 sailors at naval aviators na bumubuo ng Naval Task group 80.5, dumaong sa Naval base Guam kahapon ang BRP Jose Rizal para sa dalawang araw na lay-over bago bumalik ng Pilipinas.

BRP3

Ayon kay NTG 80.5 commander and FF150 skipper, Capt. Jerry Garrido Jr., bukod sa pagkarga ng krudo at mga supply, ang stop-over ay pagkakataon din para tiyakin ang kalusugan ng kanilang mga tauhan bago bumalik sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Capt. Garrido, ang ligtas nilang pagdating sa Guam matapos tawirin ang Pacific Ocean ay patunay ng “improvement” ng Philippine Navy sa “pag-handle” ng mga modernong barko at kagamitan, gayundin ang kakayahan na “mag-operate” sa ibayong dagat.