-- Advertisements --

Mayroon nang bagong Commanding Officer ang BRP Rafael Pargas (PC379) kasunod ng installation ceremony na isinagawa ng Philippine Navy.

Uupo bilang bagong CO si Lieutenant Commander Kristoffer Belmonte at papalitan si dating CO Lieutenant Commander Michael Andrew Frias.

Sina Pargas at Belmonte ay kapwa mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maragtas” Class of 2007.

Ang BRP Pargas ay isa sa mga floating assets ng Philippine Navy at nasa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71 sa Eastern Mindanao

Ang naturang barko ay responsable sa mga patrol mission sa mga karagatang sakop ng Eastern Mindanao, sa pamamagitan ng navy.

Inaasahan naman ng Phil Navy na mananatiling instrumento ang naturang barko para maprotektahan ang maritime environment o mga karagatang sakop ng Mindanao sa ilalim ng bagong CO.