-- Advertisements --

Inanunsyo ni US maritime expert Ray Powell ang panibagong insidente ng pagbangga ng Chinese vessels sa barko ng Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, ang BRP Teresa Magbanua ang sinalpok ng mga ito habang nasa may area ng Escoda o Sabina Shoal.

Nangyari umano ito ngayong araw lamang, kung saan mistulang kinuyog ng napakaraming Chinese vessels ang ating barko.

Karamihan umano sa mga ito ay Chinese maritime militia na matagal nang nagpapa-ikot-ikot sa naturang bahagi ng karagatan.

Kinumpirma na rin ito ng task force West Philippine Sea nitong Sabado ng hapon.