-- Advertisements --

Dumating na ngayong hapon sa Puerto Princesa sa Palawan ang Philippine Coast Guard (PCG) Vessel na BRP Teresa Magbanua mula sa deployment nito sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay National Maritime Council Spokesperson retired VADM. Alexander Lopez kahapon umalis sa Escoda Shoal ang nasabing barko.

Tumanggi si Lopez na sabihin kung anong barko ng Pilipinas ang pumalit kay BRP Teresa Magbanua.

Hindi naman masabi ni Lopez kung hanggang kailan sasailalim sa repair ang nasabing barko, matapos itong sadyaing banggain ng China Coast Guard.

No Comment din si Lopez kung idedeploy pa ito muli sa Escoda Shoal.

Una ng inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na matapos ang pagkumpuni at pag resupply sa nasabing barko ide-deploy ito muli sa Escoda Shoal.