-- Advertisements --
Matagumpay na naitaboy palayo ng BRP Teresa Magbanua ang barko ng Chinese Coast Guard sa baybayin ng Zambales, ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa isang pahayag, iniulat ni PCG spokesperson for the West Philippines Sea Commodore na si Jay Tarriela na nagawang itulak ng BRP Teresa Magbanua ang CCG-3304 palayo sa baybayin.
Aniya, ang barko ay napalitan na ng CCG-5901 o ang “monster ship.”
Sa kabila nito, ayon kay Tarriela, epektibong pinapanatili ng PCG ang distansya na humigit-kumulang 110-115 nautical miles mula sa baybayin ng Zambales.
Huling nakita ang CCG-5901 na lumayo sa baybayin ng Zambales noong Enero 20 matapos ang mga panawagan ng bansa. Pinalitan ito ng CCG-3304.