Naitaboy ng BRP Teresa Magbanua ang Monster ship ng China o China Coast Guard (CCG) 5901 sa malayong distansiya mula sa baybayin ng Zambales nitong Linggo, Pebrero 2.
Ito na ang ika-30 sunod na araw ng iligal na presensiya ng mga barko ng China sa katubigan ng Zambales.
Sa ibinahaging post sa X account ni PCG spokesperson for the WPS Comm. Jay Tarriela, sinabi nito na inisyal na namataan ang monster ship sa layong 54 nautical miles (NM) mula sa shore subalit naitaboy ito sa tinatayang 120 NM dahil sa pagiging alerto at propesyunalismo ng Philippine Coast Guard (PCG) vessels.
Nanatili aniyang hindi natinag ang BRP Teresa sa patriotic duty nito, aktibong pag-challenge sa presensiya ng monster ship na namataan kalaunan na nasa 117 NM mula sa baybayin ng Zambales.
Committed naman ang PCG na pigilang i-normalize ng China ang iligal na pagpapakalat nito ng maritime forces sa rehiyon.
Mananatili naman aniya ang PCG na maninindigan sa commitments nito para protektahan ang kapakanan ng mga mangigisdang Pilipino, pagtibayin ang ating maritime rights, ipatupad ang international law at isulong ang pagpapahupa ng tension sa ating mga katubigan.