Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na napilitan ang BRP Teresa Magbanua na bumalik sa daungan dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon, nauubos na mga suplay ng pang-araw-araw na pangangailangan, at ang pangangailangang lumikas ng mga personnel na nangangailangan ng medical attention.
Naging mas kumplikado ang structural damage ng barko dahil sa mga nasabing sitwasyon.
Sa pagdating ng barko sa Puerto Prinsesa, agad pinakain ang mga nagugutom na crew nito at ilan dito ay dehydrated.
Hindi na kasi nabibigyan ng supply ang barko dahil hinaharangan ng China Coast Guard ang mga isinagawang resupply missions sa Magbanua.
Nanawagan din ang China na alisin ang barko sa Escoda Shoal.
Paliwanag ng PCG na ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa lugar ay dahil sa humanitarian reasons.
Nagtamo ng damaged ang Magbanua bunsod sa ginawang pag bangga ng China Coast Guard.