Bumuhos ng mensahe pag-alala at kalungkutan ang pag-anunsiyo ng beteranong Hollywood actor na si Bruce Willis na ito ay magreretiro na sa paggawa ng kaniyang pelikula.
Ayon sa pamilya ng 67-anyos na actor na na-diagnosed ito kasi ng asphasia isang sakit na nakakaapekto ng kaniyang paggalaw at pananalita na kahalintulad ng Parkinsons disease.
Dagdag pa ng mga kaanak nito na isang malaking hamon ito ngayon na kinakaharap ng kanilang pamilya dahil sa pangyayari sa nasabing actor.
Pinasalamatan nila ang mga kaibigan at kasamahan sa pelikula dahil sa patuloy na pagsuporta.
Isa sa mga nagpahayag ng kalungkutan ay ang dating asawa nito na si Demi Moore na ikinasal noong 1990 hanggang maghiwalay noong 2000.
Sa social media post ng beteranang actress ay nagpaabot ito ng pagdarasal para sa agarang paggaling nito.
Matapos naman ang relasyon nito kay Moore ay ikinasal naman siya sa actress na si Emma Heming kung saan mayroon itong kabuuang limang anak sa dalawang asawa.
Sumikat ang actor noong 1980 sa comedy-drama TV series na “Moonlightning at lumabas din siya halos 100 pelikula sa mahigit na apat na dekada nitong career.
Nagwagi ito award sa Golden Globe Awards at dalawang Emmy awards sa pagganap nito sa pelikulang “Pulp Fiction” at “The Sixth Sense”.