-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagpapagamot ng Hollywood actor na si Bruce Willis.
Sinabi ng kaniyang anak na si Rumer Willis na bumuti ang pakiramdam ng ama.
Sinagot kasi ni Rumer ang pangungumusta ng ilang mga fans ng kaniyang ama.
Hinikayat din nito ang mga followers sa social media na batiin ang actor sa kaniyang ika-70 kaarawan ngayong Marso 20.
Magugunitang hindi na gumawa ng pelikula ang actor matapos na ma-diagnosed ng aphasia isang uri ng brain disorder na nakakaapekto sa pananalita ng actor.
Maging ang asawa ng actor na si Demi Moore ay nagbahagi sa kaniyang social media account ng update ukol sa actor.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa fans ng ‘Die Hard’ actor sa kaniyang kaarawan.