-- Advertisements --
Sultan Hassanal Bolkiah
Sultan Hassanal Bolkiah

Hindi na ipapatupad ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei ang kontrobersiyal na parusang kamatayan laban sa mga naaarestong sangkot sa gay sex.

Kasunod ito ng maraming batikos na natatanggap ang kanilang bansa maging sa international community lalo na mula sa mga kilalang indibidwal, artista at politiko.

Isinagawa nito ang anunsiyo bago ang pagsisimula ng Islamic holy month na Ramadan.

“I am aware that there are many questions and misperceptions with regard to the implementation of the SPCO (Syariah Penal Code Order). However, we believe that once these have been cleared, the merit of the law will be evident,” bahagi ng speech ng sultan. “As evident for more than two decades, we have practiced a de facto moratorium on the execution of death penalty for cases under the common law. This will also be applied to cases under the SPCO which provides a wider scope for remission.”

Magugunitang pinangunahan nina actor George Clooney at Elton John ang pagbatikos sa pamahalaan ng Brunei nang ipatupad sa bansa ang batas noong Abril 3.

Ilang grupo din ang naglunsad sa pagboykot sa mga hotels ng Brunei.