Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga human right groups ang bagong batas na ipapatupad ng Brunei sa susunod na linggo.
Kung saan bilang parusa ay babatuhin hanggang sa mamatay ang kahit sinong mapatutunayang guilty sa homosexual sex at adultery.
Hindi umano sila sang-ayon sa pagpapatupad ng bagong batas at dapat umanong baguhin ang Penal Code kung saan dapat daw ay sundin ang human rights obligations.
Ayon kay Brunei Researcher at Amnesty International Rachel Chhoa-Howard, dapat daw ay ikondena agad ng internal community ang batas dahil mayado raw itong brutal.
Kasama raw sa bagong batas na ito ang pagputol ng kamay sa mga mapapatunayang magnanakaw.
Hindi naman umaasa si Sultan of Brunei Hassanal Bolkiah na tatanggapin at sasang-ayon dito ang kanyang mga nasasakupan ngunit nanawagan ito na respetuhin na lang daw ang kanilang bansa.