-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng concert sa bansa si Grammy-winning singer Bruno Mars.

Ayon sa organizer ng concert na isasagawa ang one-night concert sa Hunyo 24 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Magsisimula silang magbenta ng tickets sa Abril 28.

Huling nagsagawa ng concert sa bansa si Bruno Mars ay noong 2018.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng Filipino-American singer ay ang “Just The Way You Are”, “Versace on the Floor” at maraming iba pa.