BUTUAN CITY – Mayroon nang person of interest ang pulisya sa brutal na pagpatay sa isang guro na natagpuan na lamang ang bangkay alas 10:50 kagabii sa may Purok-2, Barangay Baan km-3 nitong lungsod sa Butuan.
Kinilala ni Police Executive Master Sergeant Rey Gabrielle Maderal, Public Information Office sa Butuan City Police Station-1 ang biktima na miyembro sa LGBT Community na si Leonardo Basan Acejo, 44-anyos, residente sa Las Casas Subdivision, Baan Kilometer 3, Butuan City at isang gusto sa pribadong paaralan na isa pang awardee.
Ayon sa opisyal, base sa ginawang post mortem examination may 5 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima maliban pa sa batong inihampas sa ulo sa biktima dahilan sa kaniyang kamatayan.
Nakita pa ang bato na may mga dugo sa crime scene.
Sa malalimang imbestigasyon, mayroon nang mga saksi na naghatag sa kanilang testimonya at nadagdagan pa sa isinumiteng screen shot sa mga chat sa biktima diha sa group chat bago pa ang kremin.
Inihandan na ngayon ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban sa person of interest. Pahayag pa ni Maderal na tinawag lang ang biktima na naka-pajama na upang makasalamuha ang suspek
Ngunit hanggang sa pagkuha nitong balita ay wala pang natukoy silang motibo sa nasabing karumal-dumal na krimen.