Nahaharap ngayon sa batikos ang beteranong Canadian singer Bryan Adams dahil sa pagiging racist.
Ito ay matapos ang ginawa nitong pag-alburoto at paglabas ng saloobin sa kaniyang social media na nagbunsod sa pagkansela ng marami niyang concerts at show.
Sa kaniyang social media account, pinayuhan nito ang mga Chinese na kumain na lamang ng gulay imbes na mga paniki at kung ano-ano pang mabibili sa kanilang wet market.
Isa kasing itinuturong dahilan ng pinagmulan ng coronavirus ay ang pagkain ng mga Chinese ng paniki.
Ikinagalit naman ni Chinese-Canadian National Council for Social Justice Amy Go ang pahayag ng beteranong singer at sinabing isang iresponsableng pahayag at racist.
Ang pahayag aniya ng singer ay magdudulot ng galit sa mga Chinese.
Bagamat binura na ng singer ang kaniyang social media post ay marami pa rin ang nakapag-screenshot.
Matapos ang ilang oras ng mag-viral ang post nito ay humingi agad ng paumanhin ang nasabing singer.