Nagsama-sama ang mga bigating mang-aawit ng Canada upang makabuo ng bagong “Lean on Me” benefit video.
Kabilang sa mahigit 10 mga Canadian artists na nakisama sa produksiyon ay sina Bryan Adams at Rush’s Geddy Lee.
Ang star-studded rendition ng Bill Withers classic ay bahagi ng AtistsCan campaign upang makatipon ng pera bilang alay sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic. Narito ang YouTube link: https://www.youtube.com/watch?time_continue=185&v=athd5_CW_z0&feature=emb_title
Liban sa tribute ng awiting “Lean on Me” ito rin ay pagbibigay pugay kay Withers na pumanaw nito lamang unang bahagi ng buwan sa edad na 81-anyos dahil sa matagal nang pakikipaglaban sa heart issues.
Ang malilikom namang pera mula sa show ay ibibigay bilang donasyon sa Canadian Emergencies at COVID-19 Response Fund.
Maari ring mag-donate ang sinuman sa pamamagitan ng kanilang website o kaya mag-text sag LEANONME at i-send sa 20222.