-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN -“So far, so good”. Ito ang naging tugon ni Janice Roma Hebron, ang trustee ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting Pangasinan National Board Coordinator kaugnay sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Aniya, dumaagsa ang mga tao na bumoto ngunit, marami naman aniya ang mga botatneng nagrereklamong hindi mahanap ang kanilang pangalan sa listahan ng mga botante.
Maliban dyan, may mga nahuli ring nagsagawa ng mga ipinagbabawal sa araw mismo ng halalan kabilang na lamang ang mga sumusuporta sa mga kandidato na nag aabot sa mga botante ng mga electon paraphernalia at ang mga kandidatong nanatili sa voting center kahit pa man ay tapos na ang mga ito na bumoto.