-- Advertisements --
image 198

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa katatapos na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Hinimok ng Comelec ang mga tumakbo sa Oct. 30 BSKE na maghain ng kanilang mga SOCE bago ang deadline sa Nob. 29.

Ayon sa komisyon, mayroong apat na araw na lang bago ang deadline ng paghahain ng SOCEs para sa BSKE 2023.

Binigyang diin ng poll body na ang lahat ng Statement of Contributions and Expenditures ay dapat personal na ihain ng mga kandidato sa mismong lokal na tanggapan ng Comelec kung saan sila naghain ng kanilang Certificate of Candidacy.

Ang mga ito ay maaaring ihain mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Sa ilalim ng Republic Act 7166, Ang bawat kandidato ay dapat, sa loob ng 30 araw pagkatapos ng araw ng halalan ay maghain ng Statement of Contributions and Expenditures sa mga tanggapan ng Komisyon at dapat naka-itemize na pahayag ng lahat ng kontribusyon at paggasta kaugnay ng halalan.