-- Advertisements --

Pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Energy (DOE) ang pagtalakay ukol sa pagpopondo para sa Green Energy Auction Program (GEAP).

Ang GEAP ay isang inisyatibo upang taasan ang bahagi ng renewable energy sa pambansang power generation mix hanggang 50 porsyento pagsapit ng 2040.

Ang kaganapan ay nagtipon ng mga policymaker, financial institutions at mga nasa industriya ng enerhiya upang talakayin ang mga reporma sa merkado at mga makabagong paraan ng pagpopondo.

Layunin ng BSP at DOE na maisulong ang green finance at mabawasan ang pagkakasa sa fossil fuels para sa mas sustainable na kinabukasan.