-- Advertisements --

Babawasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang umiiral na reserve requirement ratios (RRRs) ng mga bangko.

Nasa 200 basis points (bps) ang babawasin para sa mga universal at commercial banks (U/KBs) at non-bank financial institutions na may quasi-banking functions (NBQBs).

Habang 150 bps naman ang babawasin para sa mga digital banks at 100 bps para sa mga thrift banks (TBs).

Ang reduksyon ay magreresulta sa mga sumusunod na RRRs:

– 5.0 porsiyento para sa U/KBs at NBQBs

– 2.5 porsiyento para sa mga digital banks

– 0.0 porsiyento para sa mga TBs

Ang mga bagong ratio ay magkakabisa simula sa reserve week na nagsisimula sa Marso 28, 2025, at mag-aapply sa mga lokal na currency deposits at deposit substitute liabilities ng mga bangko at NBQBs.

Ayon sa BSP, ang pagbawas sa RRRs ay magpapabuti sa kakayahan ng mga bangko na magbigay ng mga produktibong pautang at investment. Magiging mas mababa ang mga friction na nagpapahirap sa financial intermediation.