-- Advertisements --
Siniguro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na nanatiling “sound and stable” ang sistema ng pagbabangko sa bansa.
Sa abiso ng BSP, available pa rin umano ang mga serbisyong pinansyal kahit limitado dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Maliban dito, handa rin daw ang bangko sentral na tugunan ang lahat ng usapin hinggil sa financial services lalo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Tuloy pa rin daw ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bangko para matiyak na hindi naaantala ang mga transaksyon at iba pang mga aktibidad.
Hinimok din nila ang publiko na kumuha ng online banking, e-money services, at electronic fund transfer para maiwasan ang pagkalat ng deadly virus.