-- Advertisements --

Ibinaba ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Target Reverse Repurchase (RRP) Rate ng 25 basis points, mula 5.75% patungong 5.50%.

Ang mga interest rates sa overnight deposit at lending facilities ay na-adjust din sa 5.0% at 6.0%.

Bumaba ang mga inflation forecast para sa 2025 at 2026, na nagpapakita ng mas maayos na outlook para sa ekonomiya.

Nabawasan ang mga challenges sa inflation outlook, ngunit mayroon pa ring potensyal na epekto tulad ng pagtaas ng transport charges, presyo ng karne, at utility rates.

Patuloy na magsasagawa ng maingat na pagtutok ang BSP sa mga susunod na hakbang para masigurong balanse ang paglago ng ekonomiya at pagpapanatili ng price stability.