-- Advertisements --

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga perang may larawan ng mga bayani.

Tugon ito ng BSP sa dumaraming negatibong pagpuna na mas pinag-ukulan na umano ng higit na pabor ang mga hayop kaysa sa mga bayani at makasaysayang personalidad sa ating bansa.

Ilang historian kasi ang hindi naiwasang magbigay ng komentaryo ukol sa paglilimbag ng mga bagong pera na pawang nagtatampok na lamang sa mga endemic na hayop sa bansa kagaya ng Philippine Eagle at iba pa.

Pero para sa BSP, patuloy na naglalabas ng mga bagong bank notes ang kanilang panig na may mukha ng mga bayani at iba pang natural wonders.

Tiniyak din nilang patuloy na itataguyod sa mga salapi ang mga sarili nating simbolo ng national pride mula sa mga perang papel, hanggang sa mga coins na lalong magpapakinang sa Filipino identity.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reiterates that Philippine paper banknotes featuring the country’s heroes remain in circulation. The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched “First Philippine Polymer Banknote Series,” which showcases the country’s rich biodiversity. The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins. Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” wika ng BSP.