-- Advertisements --
Bumuo na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng task force na mag-iimbestiga sa pagkawala ng pera ng mga depositors ng BDO Unibank.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na binigyan nila ng 30 araw ang task force na maglabas ng rekomendasyon sa posibleng kaparusahan na ipapataw sa nasabing bangko kung meron man.
Ang nasabing task force ay binubuo ng cyber and anti-money laundering specialist at mga legal officers para tignan ang nangyaring pagkukulang ng bangko.
Magugunitang inireklamo ng ilang mga depositors ang pagkawala ng kanilang pera kahit wala silang nai-click na link o anuman.
Tiniyak din ng bangko na kanilang ibabalik ang perang nawala sa mga depositors.