-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon sa BSP na magandang layon ng pagkakaroon ng national ID ng bawat mamamayan dahil mahihikayat lalo ang mga ito na magbukas ng kanilang mga sariling bank accounts gamit ang isang ID lamang.
Nitong buwan pa lamang ay umabot na sa mahigit 200,000 registrants ang nakatanggap ng kanilang National ID.
Magugunitang target ng Philippine Statistic Authority na makakuha ng 70 milyon ng mga Filipino na kukuha ng kanilang national ID hanggang sa katapusan ng taon at hanggang 26 milyong mga head of the family ang makapagbukas ng kanilang sariling bank accounts.