-- Advertisements --

Nakatakdang bigyan ng Bangko Setnral ng Pilipinas ng lisensiya ang apat na bagong digital banks.

Ayon sa BSP na magsisimula ito sa unang araw ng Enero , 2025.

Mula kasi sa dating anim na digital banks ay inaprubahan ng Monetary Board ang cap sa 10 digital banks na mag-operate sa bansa.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, Jr. na dahil sa pag-apruba ng cap ng 10 digital bank ay madali na nila ng mamonitor at magkaroon ng ilang pag-aaral.

Pagtitiyak niya na dadaan sa matinding pagsusuri ang mga kukuha ng mga lisensya kungsaan mahigpit ang kanilang value proposition, business models, resources capabilites, ownership transparency, shareholder suitability at corporate governance.