-- Advertisements --
Dinala ng Banko Sentral ng Pilipinas ang Piso Caravan program nito sa probinsya ng Palawan.
Ang Piso Caravan ay programang binuo ng BSP upang mahikayat ang mga mamamayan na palitan ang kanilang mga lumang pera o mga paper bill na may sira, o punit.
Sa ilalim nito ay pinapalitan din ng BSP ang mga nakokolekta o naiipong barya ng mga residente, upang muling maibalik ang mga ito sa merkado at magamit muli.
Magtatagal naman hanggang sa araw ng Linggo, June 23, ang naturang programa ng BSP kung saan maaaring tunguhin ito ng mga residente sa Provincial Capitol compound ng Palawan.