-- Advertisements --

Pinarangalan si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona, ​​​​Jr. bilang isa sa world’s best central bankers.

Ibinigay ang pagkilala, kasunod ng masusing pagsusuri sa mga ginampanan ng mga central band sa iba’t-ibang bansa.

Ipinagkaloob ng founder at editorial director ng Global Finance Magazine na si Joseph Giarraputo ang parangal para sa “A-” na rating sa ilalim ng 2024 Central Banker Report Cards sa isang seremonya na ginanap sa Washington, DC.

Kabilang si Gobernador Remolona sa 25 pinuno ng mga kaparehong institusyon sa buong mundo.

Kabilang sa naging basehan ang pag-control sa inflation, pagpapalago ng ekonomiya, katatagan ng pera, at pamamahala sa rate ng interes.

Nagpasalamat naman si Remolona sa nasabing parangal.