-- Advertisements --
Tiniyak ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumagawa sila ng paraan para maging kalmado ang ekonomiya.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, na gagamit sila ng lahat ng uri ng forward guidance lalo sa mga kondisyon na mabago ang normalization ng US at European interest rates.
Gumagawa aniya ang Monetary Board ng mga kaparaanaan para sa pagbangong ng ekonomiya.
Isang inihalimbawa ni Diokno ang forward guidance policy tool na nag-eenganyo sa effectiveness ng monetary policy.
Handa aniya silang mag-adjust ng kanilang policy settings para matiyak ang price at financial stability.
Patuloy aniya nilang imomonitor ito hanggang makabalik na sa dating sigla ng ekonomiya.