-- Advertisements --
Handa na muli ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumanggap ng mga aplikante ng digital banking licenses.
Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr, na sa mga susunod na araw ay maglalabas sila ng circular ukol sa nasabing usapin na nahinto matapos ang tatlong taon.
Dagdag pa nito na may ilang kumpanya na ang nagpahayag ng interes at hindi na sila makapaghintay na buksan muli ang slot.
Noong 2021 kasi ay nagpatupad ang BSP ng moratorium sa mga aplikasyon para sa digital bankings para mabigyan pa sila ng panahon na imonitor ang mga ito.