-- Advertisements --

Hindi binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang interest rate.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na napagdesisyunan ng Monetary Board na panatilihin ang kanilang overnight borrowing rate sa dalawang porsyento.

Habang ang overnight deposit ay mananatili sa 1.5 percent at 2.5 percent naman sa lending facilities.

Aminado ang BSP governor na nag-improve ng bahagya ang economic activity noong nakaraang mga linggo pero mananatili pa rin ito ng panandalian lamang dahil sa banta ng COVID-19.